Wednesday, November 24, 2010

PASTA ALLA CARBONARA.


PASTA ALLA CARBONARA

        Sa dinami-rami ng mga pagkain sa mundo, hindi ko alam kung bakit Carbonara ang laging nakatatawag ng aking pansin. Dahil kung tutuusin ay para lamang itong spaghetti ng may puting sauce na laging inihahanda sa mga birthday party. Simple at wala namang napaka-espesyal dito. Ngunit bakit nga ba? Anong meron ito na hindi kayang tantanan ng panlasa ko? 

        Ang Carbonara ay isang pagkaing nagsimula sa Italy. Pasta, ham, mushroom, cream at cheese ang mga kailangan kung gusto mong gumawa nito. Carbohydrates at protein naman ang ilan sa mga nutrients na ibinibigay nito. Masarap na, masustansya pa. Talagang nakapanglalaway hindi ba?

        Dahil sa obssession sa Carbonara, sa katunanayan ay naging specialty ko na ito. Nagluluto ako ng naaayon sa panlasa ko. Kaya naman bawat subo dito'y heaven, ika nga. Malinamnam ito ngunit nakakaumay kung sabik ka sa sauce at pinaswimming ang pasta dito. Hindi ito mawawala sa menu ng mga restawrang pizza at pasta ang gimik. San ka man lumingon, carbonara is always present!


Gusto mong matuto kung paano magluto ng Carbonara? Panuorin mo ito. 

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! =)
by Kylie Shayne Go


6 comments:

  1. AGREE. I love carbonara just like the way you do. :) lalo na pag home-made. I prefer home-made kesa sa mga binebenta sa restaurants. Normally kase mas fresh and natural yung mga ingredients. :) Making it more delicious.

    ReplyDelete
  2. Parehas tayo ng blog babe! :D Masarap kasi talaga ang Carbonara. Tara luto tayo niyan! :)

    ReplyDelete
  3. waaaaw. carbonara. lutuan mo ko nyan ha? nice blog. :)
    nice comment din si bf. kung makaenglish. HAHA.

    ReplyDelete
  4. isa rin yan sa madalas kong kainin, kaso, minsan nauumay ako sa pagkaing yan pag nasobrahan..

    ReplyDelete
  5. Isa rin yan sa aking mga paborito. Pakiramdam ko'y bumabalik ang aking nakalipas kapag kumakain ako ng carbonara.

    ReplyDelete
  6. Masarap talaga ang carbonara.. Simple at madaling lutuin pa!! kaya kylie lutuan mo na ko!! now na!!

    ReplyDelete